TINAPOS ng Gin Kings ang kanilang serye laban sa NorthPort Batang Pier matapos magwagi sa Game 5 sa iskor na 126-99.
Sa first quarter, dikit pa ang laban sa iskor na 23-22, ngunit tuluyan na itong dinomina ng Barangay Ginebra sa mga sumunod na quarters sa pangunguna nina Justin Brownlee, RJ Abarrientos, at Jamie Malonzo.
Maghaharap sa finals ang Gin Kings at Tropang Giga, kung saan magaganap ang Game 1 sa Biyernes, Marso 14, sa Mall of Asia Arena.