Global birthday celebration ni FPRRD, pang-Guinness World Book of Records—Duterte supporters

Global birthday celebration ni FPRRD, pang-Guinness World Book of Records—Duterte supporters

ISANG makasaysayang pagdiriwang ang naganap noong Marso 28 na kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na dinaluhan ng libu-libong Pilipino mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Hindi maikakaila na ang global birthday celebration na ito ay naging isang record-breaking na kaganapan, na nagpakita ng malawakang pagsuporta ng mga Pilipino sa dating Pangulo.

Ayon kay Rob Rances, ang founder at CEO ng Synapsity, at ang unang master neuroplastician sa Asya—ang isa sa mga unang nagpasimuno ng ideya na isama ang pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Duterte sa Guinness World Records.

Dahil dito, may mga plano na aniya sila na ipasok sa Guinness World Records ang nasabing Global Birthday Celebration ng dating Pangulo.

“But I think it was really a breaking of a record of people gathering together, celebrating a birthday of a former President of a Republic.”
“But with regards to the Guinness record, there’s something else that we’re planning. Something that people need to be watchful of,”
saad ni Rob Rances, Founder & CEO Asia’s First Master Neuroplastician.

Ayon pa kay Rances, ang layunin ng kanilang inisyatiba ay upang ipakita ang matinding pagmamahal at suporta ng mga tao para kay Duterte.

Hindi rin nila inaasahan na magiging ganoon kalaki ang epekto nito, na nagbigay-daan upang magtipon ang mga Pilipino mula sa iba’t ibang lugar hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibayong-dagat.

“I think it’s already in the hearts of people. I just probably gave articulated that pero ‘yun na talaga ‘yung gusto nila. It’s already something that has been resonating, and the moment I sounded the call they said yes right away kasi it’s something that I would always wanted perhaps na mangyari,” aniya.

Ipinahayag din ni Rances na sa panahon ng administrasyon ni Duterte, naramdaman ng mga Pilipino ang pagiging ‘ama’ ng bansa na gumagabay sa kanilang direksiyon.

Kaya’t nakikita nila itong dahilan kung bakit maraming Pilipino ang patuloy na sumusuporta sa dating Pangulo.

“A father figure, one that will empower people, one that has only one intention in heart, and that is the future of his children. And that probably was a statement when people came and they said, enough is enough. We want what he stood for and this is what we want to see in this nation,” giit nito.

Sa ngayon kasi ayon kay Rances, nawawala na ang ganitong uri ng pamumuno at direksiyon sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, kaya ito ang hinahanap muli ng mga Pilipino.

“If I were to say that—to say what really brought people to those gatherings it was because for the first time perhaps in their lifetime they felt a nation that is fathered by somebody. And with the new administration coming in it is as if we are a fatherless nation with no direction. There are leaders but no leadership. And people missed that and people stood for whatever he stood for,” aniya pa.

Ang hindi matitinag na suporta ng mga Pilipino kay dating Pangulong Duterte ay nagpapakita ng isang matinding koneksiyon na nagsisilbing paalala ng pagkakaroon ng tunay na liderato at direksiyon sa bansa.

Habang patuloy ang mga pagsubok, ang mga Pilipino ay patuloy na naghahanap ng isang lider na may tapang at malasakit sa mga Pilipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble