INAALOK ng pamahalaan ang mga Hollywood filmmakers ng hanggang P10 milyon grant upang mahikayat silang isama ang Pilipinas sa kanilang mga produksiyon.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), ang insentibong ito ay bahagi ng Expanding the Bridge Program, na may layuning makaakit ng malalaking film at TV projects na magsasagawa ng shooting sa bansa habang itinampok ang local talents.
Bukod sa grants, may alok din na cash rebate na hanggang 25% sa ilalim ng Film Location Incentive Program ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).