HINDI pagbabayarin ng korte ang gobyerno ng Japan dahil sa Fukushima disaster noong 2011.
Inihayag ng pinakamataas na korte ng Japan na hindi liabilidad ng gobyerno ang umano’y hinihinging kabayaran ng mga residente para sa nangyaring Fukushima nuclear disaster.
Isang malaking tsunami ang bumalot sa Japan matapos tumama ang magnitude 9 na lindol noong Marso 11, 2011.
Tinamaan noon ang Tokyo Electric Power Fukushima Daiichi Power plant kung saan libu-libong residente ang apektado ng lindol.
Ang mga apektadong residente ay humihingi ng 1.4 bilyong kabayaran para dito.
Matatandaan na 470,000 katao ang nag evacuate sa unang araw pa lamang ng nasabing nuclear disaster.
May hiwalay na desisyon naman ang korte ukol sa responsibilidad ng gobyerno at kahandaan ng TEPCO upang maiwasan ang pangyayari.