KAHIT na masama ang panahon bunsod ng bagyong Agaton, dinagsa pa rin ng libu-libong solid Bongbong Marcos at Sara Duterte supporters ang grand proclamation rally ng UniTeam sa Tacloban City.
Hindi nagpatinag sa ulan ang mga supporters ng UniTeam sa Tacloban City, dumalo pa rin ang libu-libong katao sa grand rally na galing pa sa ibat-ibang parte ng Eastern Visayas para ipakita ang suporta sa partido noong Abril 9.
Sabay sa pagbuhos ng ulan ang pagbuhos din ng suporta ng mga dumalo sa grand rally, ang karamihan sa mga dumalo sa Leyte Sports Development Center ay nagpa-ulan at nababad pa sa putik ang mga paa bunsod ng walang tigil na ulan mula umaga hanggang gabi.
“Hindi marunong sumuko ang mga Waray. Ulan lang yan, Yolanda nga kaya niyong tumayo, ulan lang? BBM-Sara,” ayon kay Robin Padilla.
Napaluha si presidential aspirant BBM sa tuwa nang makita ang napakaraming tao na dumalo sa kaniyang campaign rally kahit na nasailalim sa Signal No. 1 ang lungsod.
“Alam niyo ba pagka nasa ibang lugar ako, pinapaliwanag ko ang pagkakaisa, dito sa Tacloban City hindi na kailangan ipaliwanag dahil nagkaisa na ang Tacloban City ang lalawigan ng Leyte sa likod ng UniTeam at sa tambalang Marcos at Duterte,” ayon kay BBM.
Ilang senatorial aspirants ang dumalo gaya ni Robin Padilla, Sec. Harry Roque, Mark Villar, Mayor Herbert Bautista at iba pa.
Dinaluhan din ng mga sikat na mga celebrities gaya ni Bayani Agbayani, Toni Gonzaga, Rodjun Cruz, Ms. Dulce at iba pa.