NAGTIPON-tipon ang Republic Defenders for Peace and Unity, isang grupo ng Filipino community sa Japan upang magsagawa ng rally drive sa Shibuya, Tokyo.
Ang hakbang na ito ay may layuning ihayag ang totoong lagay ng gobyerno ng Pilipinas at ipaglaban ang karapatan ng bawat Pilipino.
Dahil sa lumalaganap na korapsiyon sa Pilipinas, hindi na mapigilan ng ating mga kababayang naninirahan dito sa Japan na maglabas ng kanilang saloobin.
Isa sa mga miyembro ng M.A.D (Marcos Alis Dyan) ay nagpahayag ng pagkadismaya sa pamamalakad ng gobyerno.
Samantala, nananawagan din sila sa mga kapwa Pilipino na maging mulat sa mga nangyayari sa ating bansa.