Grupo ng magsasaka, ipinanawagan ang minimum buying price sa imported rice

Grupo ng magsasaka, ipinanawagan ang minimum buying price sa imported rice

IGINIIT ni Leonardo Montemayor ang Chairman ng Federation of Free Farmers ang matinding pagkalugi ng mga magsasaka dahil sa mababang presyo sa bilihan ng palay.

Aniya ang kasalukuyang buying price ng palay ay nasa P11 hanggang P15 kada kilo na mas mababa pa kaysa P15 na gastos sa produksyon ng bawat kilo ng palay.

“Ibig sabihan pag lower than P15 ang benta ng palay sa trader, lugi na ang ating mga magsasaka. So we think the minimum should be pagkasariwa ka It should be at least mga 17, 16 to 17 pesos per kilo,” ayon kay Leonardo Montemayor, Chairman, Federation of Free Farmers.

Kinuwestiyon din ni Montemayor ang polisiya ng pamahalaan na tila mas pinapaboran pa nito ang mga mamimili ng bigas kaysa mga magsasaka.

Ani Montemayor may suggested retail price ang bigas na nasa P45 hanggang P48 kada kilo pero wala namang minimum buying price para sa palay.

Binigyang diin din nito na kahit umabot pa sa P20 kada kilo ang bentahan ng tuyong palay ay hindi pa rin sapat ang kita para sa mga magsasaka.

“Paano naman tayo mabubuhay dyan sa P3,500? That’s about P110 daily. Mas mababa pa ang tatanggapin ng magsasaka natin kaysa sa mga tumatanggap ng minimum wage sa ating mga pabrika,” saad ni Montemayor.

Bilang solusyon umano dapat magpatupad ng minimum buying price para sa palay at dapat ipagbawal ang pag aangkat ng bigas tuwing panahon ng anihan.

At dapat magpataw umano ng karagdagang buwis o taripa sa imported na bigas tuwing harvest season upang maprotektahan ang lokal na ani.

Sa huli iminungkahi ni Montemayro na kung hindi mabibigyan ng proteksyon ang lokal na mga magsasaka mananatiling lugi sila sa presyuhan at patuloy na babagsak ang kabuhayan sa sektor ng agrikultura sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter