Senatorial Campaign Tracker
Tatlumpu’t isang araw na lang bago ang inaabangang halalan sa Mayo a-dose, kaya’t mas pinaiigting ng mga kandidato ang kanilang pangangampanya! Walang tigil ang kanilang pag-iikot—mula sa malalayong baryo hanggang sa mataong lungsod, sinisikap nilang maabot ang bawat Pilipino upang iparating ang kanilang mga plataporma at adhikain.
Sa bawat kaway, pakikipagkamay, at pagharap sa taumbayan, hangad nilang makuha ang tiwala at suporta ng publiko.
Lahat ng estratehiya, ginagamit—mula sa matinding door-to-door campaigns hanggang sa malalaking rally—upang tiyakin na sila ang pipiliin sa darating na halalan.
Narito ang pinakabagong kaganapan sa patuloy na pag-iikot ng mga kandidato sa iba’t ibang panig ng bansa.
Simulan natin sa probinsya ng Oriental Mindoro kung saan nagkaroon ng motorcade si Sen. Bong go kasama si Philip Salvador.
Si Sen. Bong Revilla naman sa probinsya ng Zambales nag-ikot.
Dumayo naman sa probinsya ng cebu si Kiko Pangilinan kung saan kabilang sa pinuntahan nito ang Carcar Public Market.
Habang nasa Lapu-Lapu City, Cebu naman si Ariel Querubin kung saan muli nitong binigyang-diin ang paglaban sa korpsyon.
Maging si Ping Lacson ay nasa probinsya rin ng Cebu.
Bago naman nagtungo sa kanyang mga pulong si Atty. Raul Lambino, inalala nito ang unang buwan matapos ang iligal na pag-aresto at pagsuko sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 11.
Sa probinsya naman ng Albay nangampanya si Bam Aquino.
Nitong Huwebes naman nag-ikot si Atty. Angelo de Alban sa Malolos, Bulacan.
Nasa Maynila naman si Gringo Honasan.
Habang sa Ormoc City, Leyte naman nangampanya si Rodante Marcoleta.
At ‘yan ang pinakahuling update sa nagpapatuloy na campaign period para sa darating na halalan sa Mayo.
Patuloy nating bantayan ang bawat galaw, plataporma, at paninindigan ng mga kandidato para mas maging matalino at mapanuri tayo sa pagpili ng ating susunod na mga senador.
Para sa mas marami pang updates, manatiling nakatutok dito lamang sa SMNI News.