Grupong PIRMA, 20 taon nang hindi rehistrado—SEC

Grupong PIRMA, 20 taon nang hindi rehistrado—SEC

SA pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms sa umano’y bilihan ng boto para sa People’s Initiative (PI), sinabi ng Securities and Exchange Commission (SEC) na 20 taon na ang nakalilipas mula nang ma-revoke ang registration ng grupo.

Ang grupong PIRMA ang nangalap ng mga lagda para sa kontrobersiyal na People’s Initiative para isulong ang Charter Change.

“Yes, Madam Chair. Their certification of registration has been revoked since February 10, 2004,” ayon kay Katrina Jean Miranda, Counsel, Securities and Exchange Commission.

Bukod sa na-revoke ang kanilang registration ay kulang din ng mga dokumento ang PIRMA matapos silang ma register noong Marso 12, 1997.

“Since the time of their incorporation, they have not submitted any reportorial requirements with the SEC based on our records.”

“What we have are articles of incorporation and bylaws that they submitted at the time of their incorporation,” dagdag ni Miranda.

Lumutang din sa imbestigasyon na ang lead convenor na si Noel Onate at Atty. Anthony Abad, ang pangalang nasa pinapipirmahang dokumento para sa PI ay hindi rin miyembro o bahagi ng grupo mula nang ito ay marehistro.

Ayon naman sa abogado ni Oñate na si Atty. Alex Avisado, kasalukuyan pa nilang inaayos ang registration ng PIRMA sa SEC at kapadadala lamang nila ng mga papeles online ngayong buwan ng Pebrero.

Para kay Sen. Imee Marcos, ang PIRMA na nasa likod ng PI ay isang kababalaghan.

“You are going to update the website of a corporation that has not been in existence for 20 years. Wala na ‘to. Multo na ‘to. Wala nang PIRMA, 20 anyos na, ano pang ipagpipilitan natin dito?” wika ni Sen. Imee Marcos, Chairperson, Committee on Electoral Reforms.

“Naguguluhan lang po Ako Madaam Chair sa timeline nyu eh. Nag initiate kayo ng People’s Initiative pero hindi pa pala ayos ang documentation ng pirma nyo. Di ba dapat nag due diligence muna kayo kung may entity na pirma?” ani Sen. Nancy Binay.

Oñate, tumangging ilahad ang mga donors ng EDSA-Pwera Ad

Kaugnay rito ay tumanggi naman si Oñate na ilahad ang pangalan ng kanilang mga donor.

Ito ay sa kabila ng utos ng mga senador sa grupo sa naunang pagdinig na isumite ang listahan ng kanilang contributors para sa kampanya ng EDSA-Pwera Advertisement na nagkakahala ng P55-M.

Ayon kay Oñate, ikinababahala ng ilan sa kanilang mga donors ang seguridad at privacy ng kanilang pamilya kung ilalahad ang kanilang mga pangalan sa Senado.

“I have all the intention of fulfilling what I said. I think I told you that we will submit the list of our donors. But I obeyed what Senator Chiz Escudero mentioned here, that ‘maybe you might want to consult your contributors’ – which I did. I did consult them over the last many days and they didn’t want to reveal their names. They didn’t want their names revealed,” pahayag ni Noel Oñate, Lead Convenor, PIRMA.

Sinabi naman ng abogado ni Oñate na napilitan ang kaniyang kliyente na ibalik ang kontribusyon ng ilang donors matapos silang konsultahin sa paglalahad ng kanilang mga pangalan.

“As to the submission of the name of the contributors, he indeed sought the consent of his contributors, but unfortunately they refused to allow him to divulge their names. That’s why Mr. Oñate was unable to continue because what actually happened was he was forced to return their contributions,” ayon kay Atty. Alex Avisado.

Sa unang pagdinig ng komite ay inamin ni Oñate na nakikipagtulungan siya kay House Speaker Martin Romualdez upang makuha ang 3% ng signatures sa bawat congressional district.

Pero itinanggi naman ni Romualdez ang bilihan ng boto kaunay sa PI.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble