Guidelines ng DSWD para sa AKAP, natanggap na ng COMELEC; Mga politiko, bawal sa distribusyon ng AKAP

Guidelines ng DSWD para sa AKAP, natanggap na ng COMELEC; Mga politiko, bawal sa distribusyon ng AKAP

NATANGGAP na ng Commission on Election (COMELEC) ang kopya ng guidelines ng DSWD para sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

Base sa guidelines, ipinagbabawal ng ahensya ang presensya ng mga politiko sa aktwal na pamimigay ng AKAP, maging ang flyers, banners at iba pang political materials sa offsite implementation ng programa.

Matatandaan na una nang nagbigay ng kondisyon ang COMELEC sa DSWD na kailangan muna nitong magsumite ng guidelines bago nila aprubahan ang ikalawang exemption ng programa para sa election spending ban na magsisimula sa Marso 28 hanggang Mayo 11, ngayong taon.

Samantala, ang AKAP ay para raw sa mga manggagawa na kumikita ng mas mababa sa minimum wage sa kanilang mga rehiyon.

Ito’y para rin daw sa mga manggagawa na apektado ng inflation.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter