NAGSAGAWA ng humanitarian assistance and disaster response (HADR) operations ang Philippine Air Force (PAF) sa Baguio City at Ilocos Norte na sinalanta ng Bagyong Egay.
Ito ay sa pamamagitan ng mga tauhan ng Tactical Operations Group 1 (TOG 1) at 505th Search and Rescue Group (505th SRG).
Ayon kay PAF spokesperson Colonel Ma. Consuelo Castillo, nagsagawa ng clearing operation ang search and rescue team kasama ang mga tauhan ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa kalsada sa Brgy. Loakan, Baguio City.
Habang inilikas ng hiwalay na respond team ng Philippine Air Force ang mga stranded ng pagbaha sa Brgy. Barong, Ilocos Norte.
Tiniyak naman ni Castillo na patuloy silang magbibigay ng tulong sa mga komunidad sa panahon ng kalamidad.