UMABOT na sa P4.3-B ang halaga ng pinsala sa imprastraktura matapos ang pananalasa ng Bagyong Paeng.
Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), nasa 722 ang bilang ng imprastrakturang napinsala sa buong bansa.
Katumbas ito ng tinatayang nasa mahigit P4.3-B.
Pinakamaraming bilang ng pinsala ang naitala sa Calabarzon na sinundan ng Mimaropa at Bicol Region.