Halos 15K pasahero, naitala sa mga pantalan sa nakalipas na magdamag

Halos 15K pasahero, naitala sa mga pantalan sa nakalipas na magdamag

NASA halos 15,000 pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pantalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa nakalipas na magdamag.

Sa Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2022, nakapagmonitor ang PCG ng 7,493 outbound passengers at 7,386 inbound passengers mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-6 ng umaga.

Ayon sa PCG, nasa 4,664 personnel ang idineploy para inspeksyonin ang 156 vessels at 162 motorbanca.

Nakasailalim sa ‘heightened alert’ ang buong pwersa ng PCG mula pa noong Disyembre 15, 2022 hanggang Enero 7, 2022.

 

Follow SMNI News on Twitter