UMABOT ng halos 300 (267) drones ang ginamit ng Russia para atakehin ang Ukraine nitong Sabado, Pebrero 22, 2025.
Ayon sa Ukrainian Air Force, ito na ang pinakamaraming drones na ginamit ng Moscow sa Kyiv kumpara sa halos 200 (193) na drones noong Disyembre 2024.
Sa naturang ulat, nasa 5 rehiyon ang apektado sa drone attack noong Sabado.
4 katao naman ang naitalang nasugatan ng lubos dahil dito.
Follow SMNI News on Rumble