Halos 95% na mga balota, naimprinta na para sa May 9 general elections— COMELEC

Halos 95% na mga balota, naimprinta na para sa May 9 general elections— COMELEC

AABOT na sa 95% o katumbas ng mahigit 63 milyong mga balota ang naimprinta na ng National Printing Office (NPO) para sa May 9 general elections.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, nasa mahigit 67-M ang kailangang balota para sa eleksyon.

Samantala, nasa mahigit 179,000 naman ang mga depektibong balota na kailangan ayusin.

Nakahanda na rin ang 72.31% ng vote counting machines, 99.54% external batteries, 100% transmission device at 100% ballot boxes.

Dagdag pa ni Garcia, handa na rin ang 71.73% o 1,172 na consolidation and canvassing system laptops units para ipamahagi sa mga city/municipal board of canvassers habang nakahanda na rin ang 76.54% o 61 ng 81 units para naman sa provincial board of canvassers.

Follow SMNI NEWS in Twitter