Harden, inaasahang hindi makapaglalaro ng isang buwan dahil sa natamong foot strain

Harden, inaasahang hindi makapaglalaro ng isang buwan dahil sa natamong foot strain

INAASAHANG hindi makapaglalaro sa loob ng court sa regular season ang three-time NBA scoring champion na si James Harden matapos itong magtamo ng tendon strain sa kanyang kanang paa ayon sa ulat ng ESPN at Philadelphia Inquirer.

Natamo ni Harden ang injury nito sa laban nito sa Washington kung saan ito natalo sa iskor na 121-111.

Si Harden ay may average na 22.0 points, 10.00 assists, at 7.00 rebounds kada laro para sa 76ers ngayong season at ito lamang ang tanging manlalaro sa NBA campaign na may higit 20 points at 10 rebounds kada laban.

Sa ngayon ay mayroong 4-5 na simula ang 76ers at wala rin ang isa pa nitong big man na si Joel Embiid na hindi nakapaglaro sa 3 sa 4 nitong laban dahil sa nagpositibo ito sa COVID-19.

Follow SMNI NEWS in Twitter