ISUSULONG ni Senador Francis Tolentino ang pagkakaroon ng “Philippine ROTC Olympics” sa susunod na taon bilang panghikayat sa mga estudyante at mga kabataan na sumali sa Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).
Ito ang sagot ng senador nang tinanong kung ano ang magandang pantapat sa ginagawang online recruitment ng CPP-NPA-NDF.
Sa ginawang pahayag ng senador para sa ika-39 anibersaryo ng Philippine Army Reserve Command ay kanyang ipinunto na ito ay gagawin upang maipakita kung gaano ka sigla ang ROTC program ng gobyerno.
Bagamat hindi idenetalye ang mga aktibidad sa nasabing palaro ay sinabi ni Tolentino na patuloy ang pagpupulong para dito.
Kasama aniya sa pagpupulong ang State Universities and Colleges, Private Colleges, Commission on Higher Education, Philippine Sports Commission at maging ang Army, Air Force, at Navy.
Ani Tolentino, posibleng huhubugin din ng Philippine ROTC Olympics ang mga karapat dapat na atleta na magbe-break ng national records.
Ayon kay Tolentino, ang Philippine ROTC Olympics ay target isagawa sa Mayo 2023.