Headline inflation sa bansa, bumagal sa 4.1 percent nitong Hunyo

Headline inflation sa bansa, bumagal sa 4.1 percent nitong Hunyo

BUMAGAL sa 4.1 percent ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong Hunyo.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mababa ito sa naitala noong Mayo na 4.5 percent.

Ang average inflation naman para sa taong 2021 ay nasa antas na 4.4 percent.

Sinabi ng PSA na ang pangunahing nag-ambag sa overall inflation noong nakaraang buwan ay food and non-alcoholic beverages na may inflation na 4.7 percent at 44.6 percent share sa pangkalahatang inflation.

Ang pangalawang commodity group na may pinakamalaking ambag sa pangkalahatang inflation ay ang transport na may 9.6 percent inflation at 19.2 percent share sa pangkalahatang inflation.

Habang ang housing, water, electricity, gas, and other fuels ang ikatlo sa may pinakamalaking ambag sa pangkalahatang inflation nitong Hunyo kung saan nagtala ito ng 2.4 percent inflation at 13.1 percent share.

 

SMNI NEWS