TINIYAK ng Department of Health (DOH) na handa ang health care system ng bansa ngayong 2023 para tugunan ang COVID-19 at iba pang sakit.
Ito ang ibinahagi ng Office of the Press Secretary (OPS) ngayong isinasama na ito sa mga programa ng DOH simula noong mamuno si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Prayoridad din ng administrasyon ni Pangulong Marcos ang pagtatayo ng specialty centers at patuloy pang dagdagan ng mahigit 100 ngayong taon.
Dagdag pa ng OPS, katuwang ng DOH ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.
Samantala, sinisimulan na rin ang mga hakbang para magkaroon ang mga outpatient ng benepisyo sa gamot. Health care system