APRUBADO na ng House Committee on Appropriations ang budget provisions para sa Health Emergency Auxiliary Reinforcement Team (HEART).
Ito’y ayon sa paunang impormasyon ni Appropriations Vice Chair Stella Quimbo sa nagpapatuloy na Bicameral Conference Committee meetings para buuin ang nilalaman ng 2023 national budget.
Naunang sinabi ni House Committee on Health Chairman Ciriaco Gato na layon ng HEART na bumuo ng reserve team ng medical professionals na maaaring pulungin at pag-isahin ng pamahalaan tuwing panahon ng emergency.
Bukod dito, inaprubahan din ng House contingent ang budgetary provisions para sa real property valuation and assessment at reorganization ng Bureau of Local Government Finance.
Pati na ang budgetary provisions ng Magna Carta of Barangay Health Workers at Passport Law, pati na ang panukalang free legal assistance sa mga uniformed personnel.