Health experts, posibleng irekomenda ang paggamit ng goggles bilang proteksyon laban sa COVID-19

Health experts, posibleng irekomenda ang paggamit ng goggles bilang proteksyon laban sa COVID-19

PINAG-UUSAPAN ng mga health experts ang paggamit ng goggles bilang proteksyon laban sa COVID-19.

Ayon kay Health undersecretary Maria Rosario Vergeire, kasama umano ito sa napag-usapan habang isinasapinal pa ang rekomendasyon na hindi na gawing mandatory ang pagsusuot ng faceshield.

Ayon kay Vergeire, nakakatulong ang goggles sa mata mula sa droplets o aerosols.

Matatandaan rin namang may mga ebidensya na nakakapenetrate ang COVID-19 sa pamamagitan ng mata at maaaring maimpeksyon dahil dito.

Isusumite ng Department of Health ang kanilang rekomendasyon hinggil sa paggamit ng face shield sa Inter-Agency Task Force sa Huwebes.

SMNI NEWS