NANATILI sa ‘extreme caution’ ang heat index ng ilang lugar sa Central Luzon.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang mga lugar na ito ay ang Iba sa Zambales, Clark Airport sa Pampanga, Central Luzon State University sa Muñoz Nueva Ecija, Baler, at Casiguran sa Aurora, Abucay sa Bataan at Subic Bay sa Olongapo City.
Tinatayang aabot sa 37 degrees Celsius ang heat index sa nabanggit na mga lugar.
Sa ilalim ng ‘extreme caution’ level, malaki ang posibilidad ng pag-atake ng heat stroke, heat cramps, at exhaustion o pagkahapo.