MAHIGIT 1.6 milyong international travelers ang dumating sa bansa simula noong Pebrero.
Sa Senate Committee hearing, sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na kabuuang 1,664,550 ang international arrival hanggang nitong Oktubre 5.
Ito ay mas mataas kumpara sa 163,879 na tourist arrivals noong 2021.
Ayon kay Frasco, pinakamaraming tourist arrivals ang mula sa United States na may 315,279 sumunod ang Korea na may 220,402, Australia na may 77,249, Canada na may 70,159 at United Kingdom na may 63,533.
Dahil sa pagdami ng mga dumadating na dayuhang turista, sinabi ng kalihim na tumaas din ang employment sa tourism-related industries na may 4.9 milyong employed na 4.6% na mas mataas kumpara sa 4.68 milyon noong 2021.