Russia, nais palalimin ang ugnayang pang-ekonomiya sa Pilipinas –Russian envoy

Russia, nais palalimin ang ugnayang pang-ekonomiya sa Pilipinas –Russian envoy

NAGPAHAYAG ang Russia na nais nitong palalimin ang ugnayang pang-ekonomiya sa Pilipinas kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na sa Russia kukuha ang Pilipinas ng fuel at fertilizer supply.

 “Senator Kit just brought up also is foreign policy between Ukraine and Russia. And again, we take a very balanced view because the truth of the matter is we may have to deal with Russia for fuel, for fertilizer,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

Interesado ang pamahalaan ng Russia na mapalalim ang ugnayang pang-ekonomiya nito sa bansang Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng pantay at kapaki-pakinabang na kooperasyon para sa dalawang bansa.

Ito ay ayon kay Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov sa isang pahayag na ipinadala nito sa SMNI News.

“What we are truly interested in is deepening economic ties with the Philippines by developing equal and mutually beneficial cooperation. Therefore, we are encouraged by the words of President Marcos, who turned to Russia as supplier of such critical commodities as fuel and fertilizers.  We believe that this cooperation will allow the Philippines to strengthen their food and energy security. As for the latter, it’s noteworthy that Russia possesses some unique technologies in the field of peaceful nuclear energy. Developing independent and indigenous energy sources has been underlined by the government of your country as one of the top priorities and Russia can be a good reliable partner for the Philippines also in that area,” pahayag ni Pavlov.

Ang tugon ng Russian envoy ay kasunod sa naging pahayag ni Pangulong Marcos nang humarap ito kamakailan sa mga miyembro ng Manila Overseas Press Club.

Sinabi ni Pangulong Marcos na kakailanganin ng Pilipinas na may kalakalang gawin sa Russia para mag-angkat ng langis at fertilizer.

Ayon kay Russian Ambassador Pavlov na welcome sa kanilang pamahalaan ang naging pahayag ng Pangulong Marcos.

Paliwanag ng Russian envoy na ang ganitong kooperasyon sa pagitan ng Russia at Pilipinas ay magbibigay daan para mapalakas ng Pilipinas ang food at energy security.

Ipinagmalaki rin ni Ambassador Pavlov na ang Russia ay nag-aangkin ng ilang teknolohiya na sa kanila lang makikita lalong-lalo na sa usapin ng nuclear energy.

Iginiit ng Russian envoy na makikita ng Pilipinas ang Russia bilang isang ‘reliable partner’ sa pag-harness ng independent at indigenous energy sources ng bansa.

Samantala, nagbigay ng paglilinaw si Russian Ambassador Pavlov sa SMNI News para sagutin ang naging pahayag ni Pangulong Marcos sa paggamit ng tactical nuclear weapons.

Sa naging pahayag ng Pangulong Marcos sinabi nito na ikinokonsidera ng Russia ang paggamit ng tactical nuclear weapons.

“In fact, in my speech in the United Nations I already proposed and I said that it would be — we need to abandon the idea of nuclear weapons of having a stockpile of nuclear weapons as deterrence. And we should remove that kind of Cold War thinking already from our geopolitics and remove and lessen, lower the stockpiles of — and make them… And finally to at some point, to remove from the face of the earth any nuclear weapons,” ayon kay Marcos.

“And unfortunately, two, three days later, we hear the announcement from Russia that they are considering, contemplating using tactical nuclear weapons,” dagdag ng Pangulo.

Kaya paglilinaw ni Ambassador Matlov na hindi ito sinabi ni Russian President Vladimir Putin.

Paliwanag ng Russian envoy na malinaw na nakasaad sa Russian Doctrine of Nuclear Deterrence na maaari lamang gamitin ang nuclear weapon bilang huling armas para protektahan ang kanilang bansa sakaling atakehin sila.

Dagdag ni Ambassador Pavlov na maliban na lamang kung ginamit ang nuclear weapon bilang mass destruction laban sa Russia o sa mga bansang kaalyado nito ay hindi nila gagamitin ang sandatang nuklear.

Una nang nanindigan si Pangulong Marcos sa ipatutupad na foreign policy ng kaniyang administrasyon na friends to all, enemies to none.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter