UMABOT sa kabuuang 160 pamilya ng residente ng Tramo 1, Brgy. San Dionisio, Parañaque City ang naapektuhan ng sunog.
Pasado alas tres ng madaling araw ng Lunes nang mangyari ang sunog.
Isa si Jun Quinto na nagtatrabaho bilang OIC ng SOCO radio room sa Parañaque LGU ang nasunugan.
Wala sila aniyang naisalbang gamit kahit isa.
Tinatayang nasa P300,000 ng kanyang ari-arian ang nasunog hindi pa kasama ang kanilang pera na kabilang sa nasunog.
Isa mga tinuturong dahilan ng sunog ni Jun ay ang talamak na droga sa kanilang lugar.
Gaya ni Jun, wala rin naisalba kahit isang gamit ang pamilya ni Ahlemar.
Sa panayam ng SMNI News kay S/Insp.Ernesto Wanawan Jr. ang Chief of Operation, ng Bureau of Fire Protection ng Parañaque, aminado ito na nahirapan ang mga bumbero na pasukin ang lugar dahil maliit yung eskinita papasok sa mga nasusunog na bahay.
Bukod pa rito mahina ang supply ng tubig na naging sanhi kung bakit umabot ito ng ika-limang alarma
Aniya 2 ang nagtamo ng minor injury na dinala sa isang malapit na ospital.
Ngunit wala naman aniyang nasawi sa insidente.
Pasado alas siyete ng umaga nang idineklarang fire out na ang sunog habang patuloy na inaalam ang naging sanhi nito.