NASA 1,502 aspiring negosyante sa Quezon City ang napagkalooban ng karagdagang puhunan.
Ito ay sa ilalim ng Pangkabuhayang QC Program ng lokal na pamahalaan at Small Business Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO).
Ayon sa city government, ang bawat negosyanteng benepisyaryo ay nakatanggap ng P10,000 – P20,000 capital assistance na magagamit nila sa kanilang maliliit na negosyo.
Bago ang payout, sumailalim muna sa management training ang mga aspiring negosyante.