Higit 200 fireworks related injuries, naitala ng DOH ngayong 2024

Higit 200 fireworks related injuries, naitala ng DOH ngayong 2024

NAKAPAGTALA ng mahigit 200 na fireworks related injuries (FWRI) ang Department of Health (DOH).

Sa monitoring ng DOH mula Disyembre 21, 2023 hanggang Enero 1, 2024 ay may 231 FWRI na sa buong bansa kung saan 116 ay bagong kaso.

Ayon kay DOH Sec. Ted Herbosa, posible pang tumaas ang naitatalang kaso dahil sa mga delay na report.

Mula sa nasabing bilang ng FWRI, naitala ang pinakamaraming kaso sa National Capital Region (NCR) na may 49 porsiyento, sunod ang Central Luzon na may 27.12 porsiyento, at Ilocos Region na may 24.10 porsiyento.

Ang Davao Region at MIMAROPA naman ang may pinakamababang kaso ng FWRI na may tig-isang kaso habang tig-tatlo naman sa Northern Mindanao, Central Visayas at Cordillera Administrative Region (CAR).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble