Higit 200-K pulis, tatanggap ng mid-year bonus ngayong linggo

Higit 200-K pulis, tatanggap ng mid-year bonus ngayong linggo

NAKATAKDANG tumanggap ng mid-year bonus ang 227,832 personnel ng Philippine National Police (PNP) ngayong linggo.

Ayon kay PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. ang pondo na nagkakahalaga ng P7.5-B ay nagmula sa regular PNP appropriations ngayong taon.

Sinabi naman ni PNP Finance Service Director Police Brigadier General Bowenn Joey Masauding na matatanggap ng mga pulis ang mid-year bonus sa pamamagitan ng kanilang ATM Payroll Accounts na naka-enroll sa Land Bank of the Philippines sa Mayo 18.

Ang mid-year bonus ay katumbas ng isang buwang sahod ng pulis.

Habang ang hihigit sa P90-K ang mid-year bonus ay papatawan ng buwis alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law at BIR Regulations 11-2018.

Samantala, hindi makatatanggap ng mid-year bonus ang mga pulis na may nakabinbing kaso at kasalukuyang pinagsisilbihan ang parusa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter