Pagiging bahagi ni VP Sara sa NTF-ELCAC, magiging ‘game changer’—isang opisyal

Pagiging bahagi ni VP Sara sa NTF-ELCAC, magiging ‘game changer’—isang opisyal

MAGIGING ‘game changer’ si Vice President at Education Secretary Sara Duterte bilang co-vice chair ng National Task Force To End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ito ang iginiit ni Assistant Director General Jonathan Malaya, NTF-ELCAC StratCom Cluster Head.

Ayon kay Malaya, mahalaga ang papel ng pangalawang pangulo sa magiging direksiyon ng NTF-ELCAC.

Maibabahagi aniya ng pangalawang pangulo ang kaniyang karanasan bilang dating alkalde ng Davao City partikular ang naging kampanya laban sa mga rebelde.

Samantala, naniniwala rin si NTF-ELCAC Secretariat Executive Director Undersecretary Ernesto Torres, Jr. na mapapalakas ng pangalawang pangulo ang proteksiyon sa mga mag-aaral upang hindi ma-recruit ng mga rebelde.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter