INIULAT ng Department of Health (DOH) na naipamahagi na nito ang 237.28 milyong pisong halaga ng Special Risk Allowance (SRA) para sa mga medical personnel.
Ito ay sa kalagitnaan ng patuloy na panawagan ng grupo na ipamahagi na ang kanilang benepisyo.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang 237.28 milyong piso para sa risk allowance ay naipamahagi na sa mga lokal na pamahalaan maging sa mga pribadong ospital.
Dagdag ni Vergeire, nasa 74.5 milyong halaga ng cheke ang nakahanda na rin para ipamahagi sa mga Local Government Units (LGUs) at medical facilities.
Ang kabuuang 311 milyong piso ay para sa SRA ng nasa 20,208 na health workers ayon sa opisyal ng DOH ngunit hindi naman nito nabanggit kung ilan na sa ngayon ang nakatanggap ng nasabing benepisyo.