Higit 42,000 katao, apektado ng aktibidad ng Bulkang Mayon—NDRRMC

Higit 42,000 katao, apektado ng aktibidad ng Bulkang Mayon—NDRRMC

UMABOT na sa 11,045 pamilya o 42,815 katao ang naaapektuhan ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon sa Albay.

Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Lunes, Hulyo 3.

Nagmula ang mga apektadong residente sa 26 barangay sa lalawigan, kung saan 5,775 pamilya at 20,314 katao ang sumisilong sa 28 evacuation centers.

Habang pinili ng ibang residente na pansamantalang tumuloy sa kanilang mga kaanak o kaibigan.

Samantala, nakapagkaloob na ang gobyerno ng mahigit P131-M halaga ng tulong sa mga apektado ng bulkan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter