KINUMPIRMA ng Public Attorney’s Office na mahigit sa 500 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya kaninang alas 9:00 ng umaga.
Sinabi ni PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta na ito ay matapos na sumailalim na sa pagsala at pagsusuri ng Department of Justice (DOJ) ang records ng mga bilanggo.
Kabilang aniya sa mga nakatakdang palayain ay mga nakatatanda, mga may sakit, mga nakatapos na ng pagsisilbi sa kanilang sentensya at mga nagpakita ng mabuting asal kaya nabigyan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ang mga mapalad na presong nakalaya ngayong araw ay mula sa iba’t ibang kulungan sa bansa na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Bureau of Corrections.