Higit 700,000 pisong halaga ng iligal na droga, nasamsam sa CamSur

Higit 700,000 pisong halaga ng iligal na droga, nasamsam sa CamSur

NALAMBAT ang dalawang suspek matapos ang pinaigting na anti-illegal drugs operation sa Tinambac, Camarines Sur (CamSur).

Sa ulat kay PRO 5 regional director Police Brigadier General Rudolph Dimas, kinilala ang mga suspek na sina Efren Reyes at Bessie Cabrera, kapwa residente ng Zone 4 sa Barangay Sugod.

Sina Reyes at Cabrera ay nahuli sa Zone 6 sa Barangay Marupit, kung saan nakuha sa kanila ang 110 gramo ng hinihinalang iligal na droga na may DDB value na 748,000 piso.

Sasampahan ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni General Dimas ang kanilang mga tauhan sa matagumpay na pagkakahuli sa mga suspek na sangkot sa iligal na gawain.

Follow SMNI NEWS in Twitter