Higit P100-K halaga ng droga, nakumpiska sa isang pusher

Higit P100-K halaga ng droga, nakumpiska sa isang pusher

NAKUMPISKA ng pulisya sa isang pusher ang higit P100-K halaga ng droga sa isinagawang operasyon kontra ilegal na droga sa Brgy. Ampayon, Butuan City.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO) CARAGA Regional Dir. PBGen. Pablo Labra II ang suspek na si Arnold Demecillo, 41 taong gulang, na na-monitor na nagbebenta umano ng ilegal na droga sa Agusan del Sur at Butuan City.

Pinangunahan ang operasyon ng drug enforcement unit ng Regional Intelligence Division (RID-13) kasama ang Butuan City Police Station 4, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-13.

Nakuha nila ang 15 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng

P102-K, P25-K cash at iba pang drug paraphernalia.

Ayon kay Labra, si Demecillo ang ikaapat na high-value individual na naipakulong ng pulisya kasama ang 10 street-level individuals noong nakaraang linggo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter