MAKARARANAS ng water service interruption ang ilang lugar sa Antipolo City at Cainta, Rizal simula ngayong araw hanggang bukas.
Ito ay dahil sa interconnection works ng Manila Water sa Don Celso Tuazon Ave. sa Brgy. Mambungan.
Kabilang sa mawawalan ng tubig sa Antipolo City ay ang Barangays Mambugan, Muntindilaw at Sta. Cruz.
Habang ilang bahagi naman sa Brgy. San Juan sa Cainta, Rizal o ang Valley Golf & Country Club, Valley Golf Hills, Barrington, Valley View Phase 1 hanggang 3, Easter Heights, Palmera Homes, Igorot Village, Sitio Dilain, Upper at Lower Cuatro, Apple Executive Village at Victoria Valley Condo.
Ang water interruption ay magsisimula ng 10 pm ng Lunes, Hulyo 10 at magtatagal ng walong oras o hanggang 6 am ng Martes, Hulyo 11.