HINDI sigurado ang Philippine National Police (PNP) kung nanalo na ang bansa sa drug war.
Ayon ito kay PNP chief Benjamin Acorda, Jr. sa naging talumpati nito sa 21st anniversary ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Aniya, hindi tiyak para sa kaniya kung ano ang tamang sukatan para sa drug war campaign, subalit nilinaw niyang maganda ang statistics ng drug war campaign.
Matatandaan naman na nasangkot ang PNP sa 990 kilos na shabu case mula sa isang police officer noong Oktubre 2022.