Higit P500K halaga ng shabu nasabat sa Cabanatuan City; 1 suspek arestado

Higit P500K halaga ng shabu nasabat sa Cabanatuan City; 1 suspek arestado

ARESTADO ang isang suspek na kinilalang si alyas “Mark”, 30 anyos matapos na makorner sa ikinasang buy bust operations ng mga tauhan ng PNP Region 3 at PDEA3 sa Barangay Imelda, Cabanatuan City, Nueva Ecija nito lamang Lunes, Pebrero 17, 2025.

Nasamsam mula sa suspek ang nasa 75 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit kalahating milyong piso.

Bukod sa mga droga, narekober din ang iba pang non-drug items mula sa suspek na kasalukuyang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.

Si “Mark” ay isa rin sa itinuturing na High Value Individuals ng Region 3.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble