Higit sa sampu kada oras, namamatay dahil sa kanser

Higit sa sampu kada oras, namamatay dahil sa kanser

INIHAYAG ng Cancer Coalition of the Philippines na nasa 11 kada oras ang namamatay dahil sa kanser.

Naniniwala si Senator JV Ejercito na ‘prevention is better than cure’ pagdating sa sakit na kanser.

Ito’y maiwasan ang mas malaking gastos sa gamutan lalo na sa mga mahihirap.

Dapat umano matutukan ang preventive care pagdating sa implementasyon ng Universal Health Care (UHC) at ng National Integrated Cancer Control Act (NICCA).

 “We have experience…gaano kabigat,” ayon kay Sen. JV Ejercito.

“In any disease…educate our people,” saad ni Dr. Priscilla B. Caguioa, former President, Phl. Society of Medical Oncology.

Ayon kay Jojo Flores na isang lung cancer survivor, mahalaga ang early detection para maagang magamot ang kanser.

“Siyempre maaga, mas mura,” ayon kay Jojo Flores, lung cancer survivor.

Ayon kay Ejercito noong wala pa ang UHC at NICCA, umaabot sa P34-B ang nagagastos ng mga Pilipino para sa gamutan.

Bumaba ito sa P29-B nang maisabatas ang UHC at NICCA.

Apela ng mga cancer survivors, sana mapataas pa ang pondong mailaan para sa mga cancer patients.

Una nang inihain ni Congressman Paolo Zimmerman Duterte na magkaroon ng P10-B budget para dito.

Pagtaas ng pondo para sa cancer patients nakadepende sa national gov’t

Pero ayon kay Ejercito, dedepende ito sa budget proposal ng national government.

“We will refer or augment,” dagdag ni Ejercito.

Saad nito, pagdating sa pondo nagkaroon aniya ng paglaki nito sa mga nakalipas na taon.

Ngayon halos umabot na sa P1-B ang pondo para sa cancer patients.

Ayon naman kay VP Cancer Coalition of the Philippines Carmen Auste, lagpas sa 10 ang namamatay kada oras.

Aniya, itutulak nila ang solidarity statement sa buwan ng Hunyo, ang Cancer Survivors Month para ilarawan ang paglala ng kanser sa mga komunidad.

Ayon kay Dr. Priscilla B. Caguioa, top 5 disease sa bansa ay ang sakit na kanser at nagiging sanhi ng kamatayan sa mga libu-libong mga Pilipino.

Iginiit naman ng Cancer Coalition na Marites lamang na lahat ng nagkakanser ay mamamatay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter