Hindi lahat ng community pantry ay kagagawan ng CPP-NPA-NTF —ELCAC

NILINAW ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na hindi lahat ng community pantry ay may kabulastugang ginagawa.

Sa panayam ng SMNI News, binigyang-diin ni NTF-ELCAC spokesperson Lieutenant General Antonio Parlade Jr. na suportado aniya ng NTF-ELCAC ang kawanggawa na ito subalit nagsagawa sila ng checking dahil sa sumbong na rin ng netizens sa lugar.

“Kami very supportive kami d’yan (community pantry). Pero alam mo kung sino ang mga nagsasabi sa amin para tignan, suriing mabuti itong mga ginagawa ng iba, mga netizens din natin. Mga nakatira doon sa village, mga taga-academe, mga taga-UP. Hindi naman natin na sinabi na ano. Na lahat ng community pantry may mga kabulastugan na ginagawa. Dapat lang na tignan ng ating gobyerno kasi alam na natin kung saan nagsisimula at ang ayaw natin na mapunta sa hindi maganda,” pahayag ni Parlade.

Sa katunayan pa ani Parlade, ginagawa rin nila ang kaparehong hakbang sa Lucena, Bicol at iba pang lugar kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan namimigay sila ng food items.

Ang problema lang aniya, kung ang hakbang na mga ito ay mahahaluan na ng ibang agenda.

“In fact, madami nang nagpapadala sa amin ng post. ‘Yung iba tinigil. Tinanggal daw ‘yung mga post na nakapaskil dun sa kanilang tolda. It’s confirmed were not saying na all of those community pantries. I think nasa one hundred plus na ngayon. Plus kindly check nasa 40. Maayos naman ang iba. But yes, confirmed ‘yun na mayroong ganun,” ani Parlade.

Ayon pa kay Parlade, ang mga donasyon na hinihingi ng organizers na kaanib sa CPP-NPA ay diyan nagsimula at napunta sa armadong pakikibaka.

Kung maaalala naman, una nang ipinag-utos ng PNP ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y red-tagging sa Maginhawa Community Pantry.

(BASAHIN: National Security Council, umalma na may komunismo sa community pantry)

 SMNI NEWS