Hindi tayo galit kay Marcos, hindi tayo galit sa gobyerno—FPRRD

Hindi tayo galit kay Marcos, hindi tayo galit sa gobyerno—FPRRD

NAKALUSOT na ang Maisug Peace Rally sa Luzon nitong Lunes, Hunyo 17, 2024 matapos makakuha ng permit sa isang private school sa Angeles City, Pampanga kahapon, Hunyo 17, 2024.

Una itong naharang sa Bustos Bulacan kung saan last minute na nag-back out ang may-ari ng venue at nilagyan ng trailer truck ang entrance nito para walang makapasok.

Wala pa ring kupas ang hiyawan at pagiging aktibo ng attendees ng Maisug rally.

Present ang national speakers ng movement gaya nila Attorneys Harry Roque, Glenn Chong, Vic Rodriguez, Trixie Cruz-Angeles, former NTF-ELCAC Spokes Lorraine Badoy at sectoral leaders.

Absent muna sa Maisug si dating Pangulong Rodrigo Duterte, pero sa kaniyang video message, may paglilinaw siya sa militar at kapulisan.

“May damdam lang na pinapalabas natin. But, this would be as good as any other time to tell the President, the military, the police and all na hindi kami ‘yung subversive—na gusto naming tumbahin ang gobyerno,” ayon kay Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Nauna nang pinuna ni dating Pangulong Duterte ang pagsusulong ng Marcos Jr. government sa kontrobersiyal na People’s Initiative (PI).

Sabi ni Duterte, term extension ang tunay na pakay ng PI na labag sa konstitusyon.

Pinupuna rin sa Maisug ang tila war posturing ng kasalukuyang pamahalaan sa China sa isyu ng mga pinag-aagawang teritoryo. At dahil sa mga panawagan laban sa pamahalaan ang laman ng Maisug Peace Rallies, nilinaw ni Duterte na hindi siya galit sa gobyerno at sa kasalukuyang Pangulo.

“May damdam tayo, hindi tayo galit kay Marcos. O hindi tayo galit sa gobyerno,” ani dating Pangulong Duterte.

Nilinaw rin nito na hindi niya pinapaalis sa puwesto si Presidente Marcos Jr. sa bawat speech nito sa Maisug.

“We just want reforms that ‘yung naririnig ninyo sa grupo ng mga Maisug at ‘yung mga Pilipino na ayaw ng gulo pero gustong may pagbabago. ‘Yan lang naman po,” dagdag pa nito.

Sa huli, ipinunto ng dating Punong Ehekutibo na itinatakda ng Saligang Batas ang karapatan nating magpahayag. Bagay na alam nito bilang dating Pangulo.

“Walang interesado na patalsikin si Marcos, walang interesado sa gobyerno na patumbahin mo. Huwag po iyan dahil dumaan akong presidente. Pati gobyerno ko nito. So, para just to erase doubts. But, we will ask that we will be heard from time to time so that government would know what the sentiments of the people are. And whether the sentiments or not—totoo man or hindi, makinig lang kayo. Total kung mali, sabihin lang ninyo. Kapag mali, wala naman kaming magawa. Sabihin niyo tama, wala rin kaming magawa. Just the right to be heard, ‘yan ang importante sa Constitution. The right to be heard, period. Maraming Salamat,” ani dating Pangulong Duterte.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble