NASUGATAN ang nasa dose-dosenang sibilyan sa Paris matapos ang pagsabog na dulot ng pinaghihinalaang gas leak.
Alas 4:55 ng hapon nang may narinig ang malakas na pagsabog sa Paris American Academy sa Rue Saint-Jacques.
Sa ngayon, 4 katao ang naiulat na nasa kritikal na kondisyon at kasalukuyang inaasikaso na sa ospital.
Maliban sa mga sugatan, giba rin ang ilang gusali sa paligid ng lugar na nagdulot ng pagkaantala ng trabaho ng ilang sibilyan.