Malusog na lupa para sa isang matibay na Ph Agricultural System, patuloy na isusulong ni Sen. Villar

Malusog na lupa para sa isang matibay na Ph Agricultural System, patuloy na isusulong ni Sen. Villar

PATULOY na isinusulong ni Senator Cynthia A. Villar ang pagbibigay prayoridad sa malusog na lupa para sa isang matatag na sistema ng agrikultura at napapanatiling produksiyon ng pagkain.

Ayon kay Villar na siyang chairperson ng Senate Agriculture and Food Committee sa pamamagitan ng pagpapanatili ng fertility ng lupa, masisiguro ang produktibidad ng agrikultura.

Binigyang-diin ni Villar na ”ang lupa ang pundasyon kung saan umuunlad ang buhay, na nagbibigay ng kapaligirang nagpapalusog para sa mga halaman, hayop, at mikroorganismo.’’

Samantala ipinunto naman nito na ang mga lupa ng bansa ay nahaharap sa maraming hamon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter