INIHAYAG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi pa maaprubahan ang hirit na taas pasahe sa pampublikong jeep ng transport groups.
Sinabi ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III, malabong mangyari ang hinihiling na P5 fare increase dahil pabago-bago ang presyo ng produktong petrolyo.
Dagdag ni Guadiz, kailangan munang ma-stabilize ang presyo ng langis bago makapagdesisyon.
Sa oras naman na magtuluy-tuloy ang pagbaba sa presyo ng langis hanggang Disyembre ay maaaring magsagawa na ng pagdinig hinggil sa hirit na taas-pasahe.
Posibleng maglalabas din ng resolusyon o pinal na desisyon ang ahensiya sa susunod na taon.