NABARIL at napatay ng isang armadong customer sa Houston, Texas ang isang lalaki matapos pumasok ang suspek sa kinakainan nitong taqueria at tutukan ng baril ang mga customers para mag-hold-up.
Sa isang video mula sa surveillance camera ng taqueria sa Houston, Texas, makikita ang isang holdaper na pumasok sa kainan at itinutok ang kanyang pistol sa mga customer kapalit ang kanilang pera.
Habang nangangalap ng pera ang suspek sa mga biktima nito, makikitang tumayo ang armadong customer habang naglalakad ang suspek sa tabi niya at pinaputukan ito ng maraming beses.
Ang armadong customer, na inilarawan ng Houston Police bilang isang puti o Hispanic na lalaki, ay nagpaputok ng hindi bababa sa 9 na putok ay nagpabagsak sa suspek na tuluyan nitong kinasawi.
Sinabi ng may-ari na kinolekta ng customer ang ninakaw na pera sa katawan ng suspek at ibinalik ito sa mga kumakain bago umalis sa taqeuria.
Sa isang press release, sinabi ng pulisya ng Houston na wala pang sinasampang kaso laban sa armadong customer ngunit nais ng pulisya na makausap ito para sa iilan pang mga katanungan.
Ang estado ng Texas ay isa sa mga pinakamaluwag na estado para sa mga batas ng baril kabilang na ang pagpapahintulot sa mga tao na magdala ng armas kahit walang permit.