Mga tagasuporta ni Bolsonaro, pinasok ang Brazil Presidential Palace, Congress at Supreme Court

Mga tagasuporta ni Bolsonaro, pinasok ang Brazil Presidential Palace, Congress at Supreme Court

NAGKAROON ng nakakagulat na security breach sa Brazil matapos na daan-daang tagasuporta ni Bolsonaro ang pumasok sa National Congress kung saan nakalusot ang mga ito sa barikada na inilagay ng security forces ng bansa.

Pumasok din ang mga demonstrador sa Planalto Palacio at nakita ang mga ito na sumisigaw at umiikot sa nasabing gusali.

Karamihan sa mga ito ay nakasuot ng football tops ng Brazil at dala pa ang national flag.

Ayon sa mga awtoridad, sinira din ng mga tagasuporta ang mga bintana, upuan at mga mesa sa lugar.

Ayon sa Western Media, ang pangyayaring ito ay kaparehas ng US Capitol Riot na nangyari noong Enero 6, dalawang taon na ang nakalipas.

Samantala, ang coup movement na G1 ay dinaluhan ng ibang demonstrador na sakay ng mga bus sa kapital ng bansa noong weekend.

Ang nasabing movement ay ilang linggo nang nagpoprotesta sa Brasilia kasunod ng pagkatalo ng right wing politician at dating presidente ng bansa na si Jair Bolsonaro sa leftist leader na si Luis Inacio Lula da Silva.

Samantala, nag-utos naman ng federal intervention si Lula kung saan pinapayagan ang militar na itaboy ang mga tagasuporta ni Bolsonaro.

Nangako rin itong papanagutin ang mga mahuhuling responsable sa pangyayari.

Sa isang Twitter post, sinabi ni Lula na lahat ng nagbibigay ng pinansyal na suporta sa mga grupo na nakilahok sa pag-atake ay papanagutin din sa batas.

Ayon sa mga ulat, umabot sa 400 katao ang naaresto sa demonstrasyon.

Kaugnay nito ay kinondena naman ni Bolsonaro na kasalukuyang nasa Florida sa Estados Unidos ang ginawa ng kanyang mga tagasuporta.

Follow SMNI NEWS in Twitter