NAGSAGAWA ng chartering and induction ceremony ang Hong Kong Filipino Royal Eagles Club (HKFREC) bilang pagkilala sa mga bagong miyembro ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles (TFOE-PE).
Ang TFOE-PE ay naitatag noong 1979 na pinangungunahan ng 11 founder sa Quezon City Philippines.
Ang objective ng organisayon ay para makatulong para sa mga mamamayan ng bansang Pilipinas.
“Regarding this organization, ah this a Fraternal Order Philippine Eagles was established 1979, so pinangungunahan ito ng ating mga labing isang founder, it was established in a Quezon City Philippines. So, kami dito sa Hong Kong ‘yung unang induction po namin dito was June 4, at a meron po tayo, ah nagkaroon po tayo ng 20 members, after that marami na ang nag-members na talagang nakita nila na….Dahil ang Philippine Eagle napakaganda po ng hangarin nito andami pong mga mission na talagang gagawin sa ating mga kababayan.”
“Ok, ah madali lang naman po yun noh, kung sino po sa ating ah mga kababayan na merong puso na humanitarian, ano may pusong matulungin ba, ganun ba, so very welcome sila kasi ito pong Philippine Eagle dito po sa Hong Kong Philippine Royal Eagles Club, talagang ang pangunahin natin ay makatulong. Kung ikaw po ay may ganun pong puso may pagmamahal sa kapwa ay very welcome po dito sa Hong Kong Filipino Royal Eagles Club po,” ayon kay Gilbert Soriano, Club President, HKFREC.
Ang seremonya ay sinimulan sa pamamagitan ng pagpapakilala ng Eagle National officers bilang guest sa naturang event na mula pa sa Pilipinas, presentasyon, pagtatalaga ng mga bagong miyembro, charter grant rituals, at hand over of gong, gavel, at banner.
Kasama rin sa na-recognize ang Hong Kong Filipino Royal Lady Eagles Group (HKFRLEC) bilang kaakibat din ng TFOE-PE.
“Ako po, hinihiling lang sa lahat ng kuya at ate, kung maaari magkaisa tayo lahat, magtulungan sa ikagaganda ng ating organization. Lagi pong tandaan ang tatlong salita: transparency, unity, and respect to each other,” ayon kay Eagle Jennifer V. Zarraga, Club President HKFRLEG.
Samantala, nagbahagi naman ng mensahe ang ilang mga guest sa Eagle National officers para sa mga bagong itinalagang miyembro.
“Iwasan po natin masira po ang ating pangalan dahil po ito ay bitbit po ang ating minamahal na Pilipinas, dapat po magkaroon tayo ng good deeds dito sa Hong Kong lalo na po sa pagtulong sa pagkakaisa sa mga bawat Pilipino. Di po tayo puwede magiging bad image sa taga-dito,” ayon kay Eagle Edmarcil ‘Joy Joy’ Simene, National President E. Y 2023 TFOE-PE 1979.
Naging matagumpay ang naturang event at nagbahagi rin ng kanilang mensahe ang ilang guest officers, charter officers at new members kung saan nagpaabot din ito ng pasasalamat sa SMNI at sa butihing Pastor, Pastor Apollo C. Quiboloy.
“And of course sa SMNI…specially kay Pastor Quiboloy for allowing your staff na mag-cover sa activity namin ngyon…..Pastor Quiboloy God bless you, maraming salamat po, sana po lumago pa ang iyong area of activities na ma-cover not only here in Hong Kong as well as other countries….mabuhay ang agila!” ayon kay Eagle Dave Gabuelo, Piel Director E. Y. 2023.