House SecGen: Wala pang inilabas ang Kamara na Plate No. 8 para sa mga kongresista

House SecGen: Wala pang inilabas ang Kamara na Plate No. 8 para sa mga kongresista

NILINAW ni House Secretary General Reginald Velasco na wala pang inilabas na opisyal na plakang number 8 ang Kamara para sa mga kongresista.

Ito ang iginiit ni Velasco kasunod ng pahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Romano Artes na may mga miyembro ng Kamara na lumabag sa paggamit ng EDSA bus lane.

Binigyang-diin ni Velasco na wala pa silang binigyan ng awtoridad na gumamit ng opisyal na plaka ng mga sasakyan para sa mga mambabatas.

Kaugnay rin nito, hiniling ni Velasco ang representasyon ng Land Transportation Office (LTO) at MMDA para hulihin ang mga nagmamaneho ng sasakyang may plakang 8 at kumpiskahin ang mga expired o pekeng plaka.

Matatandaan na ang plakang may number 8 ay congressional protocol plate para sa mga kongresista batay sa Executive Order No. 400 na inilabas ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2005.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble