Nebrija, sinuspinde kasunod ng busway violation umano ni Sen. Revilla

Nebrija, sinuspinde kasunod ng busway violation umano ni Sen. Revilla

SINUSPINDE si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) special operations chief Bong Nebrija matapos na banggitin ang pangalan ni Sen. Bong Revilla sa nasitang sasakyan na dumaan sa busway.

Ayon kay Nebrija, hindi niya personal na nakita kung sino ang sakay ng sasakyan ng senador dahil malayo aniya ito doon, niradyo lang ito sa kanya ng enforcer.

Sinabi ni MMDA chairman Romando Artes na tatagal ang suspensiyon kay Nebrija ng isang buwan habang iniimbestigahan ang insidente.

Inaalam na ng MMDA kung sino ba talaga ang may-ari ng sinitang sasakyan na may protocol plate at kung bakit nadawit ang pangalan ni Sen. Revilla.

Sinisilip na umano nila ang mga CCTV footage at kapag nakilala at irereport nila ito sa Land Transportation Office (LTO) para maisyuhan ng show cause order at para mapatawan ng parusa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter