Mga driver na nagdawit kay Sen. Revilla sa EDSA bus lane violation, posibleng kakasuhan

Mga driver na nagdawit kay Sen. Revilla sa EDSA bus lane violation, posibleng kakasuhan

POSIBLENG kasuhan ni Sen. Bong Revilla ang dalawang driver na nagdawit ng kaniyang pangalan matapos mahuli ng mga awtoridad na dumaan sa EDSA bus lane.

Sa isang pahayag na nilabas sa media, sinabi ng mambabatas na bagama’t tungkulin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na parusahan ang dalawa sa kanilang traffic violation ay pinag-iisipan naman ng senador na kasuhan ang mga ito sa paggamit ng kaniyang pangalan.

“While we leave it to the MMDA to pursue legal actions arising from their traffic violations, we are contemplating filing charges against them for impersonating me” pahayag ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr.

Huwebes ng hapon ay sumuko sa MMDA ang mga driver na idinawit si Sen. Revilla sa paglabag sa EDSA Bus Lane Ordinance.

Bagamat itinago ang pagkakakilanlan ay inamin nila na hindi nila sakay si Revilla at hindi ang senador ang may-ari ng sasakyan.

Inamin din ng mga enforcer na sumita sa kanila na hindi talaga nila nakita si Revilla at umasa lang sa sinabi ng mga driver.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter