POSIBLENG mayayaman lang ang tinatanong sa pinakahuling Pulse Asia survey.
Ito ang pagdududang pahayag ni presidential candidate at Senator Manny Pacquiao.
Magugunitang nasa ika-apat na puwesto lamang ang nakuha ni Pacquiao sa huling survey ng Pulse Asia.
Saad ni Pacquiao, hindi siya naniniwala sa mga survey na ito.
Aniya, nagkakaisa na ngayon ang mga mahihirap para magkaroon ng pagbabago ang kanilang buhay.
Bukod pa rito, sinabi ni Pacquiao na kahit maging zero ang resulta ng survey sa Luzon, Visayas at Mindanao, hindi pa rin siya matitinag dahil hindi siya naniniwala rito.
Dagdag pa ni Pacquiao, kinokondisyon lamang ng mga survey ang utak ng mga tao.
Aniya, mas pinaniniwalaan niya ang ginagawang internal survey ng kanyang team at ang bilang ng mga dumadalong supporter sa kanyang mga rally.